Na-entice akong sumali sa Lyceum Kalikasan nung nagsalita si Ate Jaze at Ate Sheila about sa org. Diniscuss nila yung mga activities. Then yun, gusto ko nang sumali sa organization na Lyceum Kalikasan. At hindi ako nagsisi sa desisyon kong iyon!
High school palang ako, gusto ko nang sumali sa mga grupo na dedicated sa pagaalaga sa nature. Actually, hindi MMA ung first choice kong course kundi ang BS Forestry sa UP. Gusto ko kasing maexperience ang hiking. Ang babaw diba? Pero sa akin isa iyong achievement. Na-develop yung love ko sa nature nung 1st yr high school. Natrigger iyon ng isang card game na Magic: the Gathering. May lima kasing kulay dun na pipiliin mo para makabuo ng deck at napili ko ang GREEN. Green symbolizes Nature and its creatures. Then habang nilalaro ko yung nabuo kong GREEN na deck, nafefeel ko na isa akong wizard na nagsasave sa nature against enemies. So bigla kong naisip na bakit di ko totohanin? Dun namunga ang relationship namin ni Mother Earth. Syempre nahirapan ako kasi kabaliktaran yun ng dating ako. Kaya nagsimula ako sa mga games ko:

- Naging Grass type Pokemon ang favorite kong type.
- Eto nga yung sa Magic: the Gathering cards. Green deck lagi kong gamit.
-Pati hangang DOTA nadala ko yung ove for nature!
-Hangang sa League of Legends! (btw master ko silang dalwa)
Dumating sa point na part na ang Nature sa buhay ko. Dun na ako nagdecide na itake to another level. Dun sumali na ako sa Lyceum Kalikasan. At dinala ko lahat ng knowledge at talent ko para makatulong at para din i-nurture. At nag mature na yung relationship namin si Mother Nature. Though gamer parin ako hangang ngayon, puro "nature-aligned" na characters ang gamit ko. Nakakatuwa ng sobra na tinangap ako ng organization at tinuring akong kapatid. Nag enjoy ako sa screening proper ng org para saamin. At sure ako na mageenjoy ka din!



